Mula sa kabanatang “Noche Buena” ng Noli me Tangere ni Jose P. Rizal, tukuyin kung si Basilio o hindi si Basilio ang nagsabi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Basilio o Hindi. Kapag alam mo kung sino ang nagsabi, isulat ang pangalan o pagkakakilanlan ng nagsabi at may bonus na 1 puntos. Kapag mali ang huli, may bawas na isang puntos.

  1. Rebentador, ibig ko ng mga rebentador! (batang lalaki; Tano)
  2. May sugat ako, dalawang araw na akong hindi kumakain at natutulog. (Elias)
  3. Ayaw mo bang maglaro ng bulag na inahing may taguan? (batang babae; Juli)
  4. Dalawang buwan na ang dumaan mula nang matagpuan ka naming walang malay at tadtad ng sugat. (Ingkong; Selo)
  5. Ngunit dahil Pasko po ngayon, ibig ko pong pumunta sa bayan. (Basilio)
  6. Kakila-kilabot na panahon, umurong ang Sangkatauhan! (Kapitan Basilio)
  7. Mamamatay akong hindi nakitang sumilay ang bukang-liwayway sa aking bayan! (Elias)
  8. Wala akong salapi, at saka hindi iyon papayagan ng kura. (Basilio)
  9. Nais ko po siyang bigyan ng kaligayahan sa gabing ito, isang aginaldo. (Basilio)
  10. Namatay rin si Pilosopo Tasio at inilibing sa sementeryo ng mga Tsino. (Kapitan Basilio)