Napakabilis mong masaktan kahit sa napakaliit na bagay. Napakabilis mong magmahal kahit sa napakaliit na bagay.


OVERVIEW: Salamat sa Pagdating sa Santinakpan · Simula sa Simula sa Disyembre 2021 · Podcast Version ng Lahat ng Series · Series Access para sa Bawat Tier · May Araw-Araw na Aabangan! Narito ang Mga Aabangan Tuwing Lunes, Martes, Miyerkoles, Huwebes, Biyernes, Sabado, at Linggo · Janus Sílang teddies para sa Christmas/Year-End Raffle · Annual Patron Perks · Top Secret na Announcement


Maraming-maraming salamat sa pagsama sa akin dito sa Santinakpan.

    Nakarating ka man dito dahil sa mga libro ko, tulad ng *Janus Silang* series o *Walong Diwata ng Pagkahulog,* o dahil sa podcast kong *Mga Teorya ng Pagkahulog*, o dahil sa YouTube channel ko, o dahil sa simpleng pagsubaybay lang sa mga post ko sa Twitter, FB page, at IG, maraming-maraming salamat at narito ka ngayon para iparamdam ang pagsuporta mo sa mga ginagawa ko at sa mga gagawin pa sa hinaharap. Higit sa anupaman, ang pagiging patron ay pagpapaalam mo sa akin nagtitiwala at naniniwala ka sa akin bilang manunulat at na gusto mong makapagpatuloy ako sa mga ginagawa ko. Napakahalagang bagay nito sa araw-araw kong pagsisikap na kumatha.

    Mula nang sinimulan ko itong Patreon site noong 2018, maraming pana-panahong pagbabago sa disenyo at mga plano dahil ito mismong pagbabago ang lohika ng araw-araw nating mga buhay. May mga binalak akong isulat at gawin na hindi naipagpatuloy at may mga sinimulan din naman akong natapos hanggang dulo—at patuloy na may mga bagong ginagawa sa araw-araw na pagtatangkang magkaroon ng saysay ang buhay. Sa lahat ng iyon, nasasaksihan ng patrons ang proseso ko, at kung paanong laging ang mga ginagawa ay naninimbang sa mga sinisikap at nabibigong panindigan. Maaari ninyong ma-access ang lahat ng mga iyon Patreon sa (napakagulong) archives ng Patreon.

    Subalit simula sa Disyembre 2021, aayusin natin ang mga series na para bang ngayon pa lang tayo totoong nagsisimula sa lahat. Ilang beses ko na kasing tinangkang mag-rearchive ng mga lumang posts pero napakahirap makahabol. Kaya naman nagpasya akong magsimula sa simula. Malaking tulong din itong Notion site sa pagsasaayos ng lahat ng mga proyekto natin dito dahil aminin nating ang hirap maghanap ng mga akda sa mismong Patreon site. Mananatili ang lahat ng dati nang contents sa Patreon site pero puwede ninyong ituring ang lahat ng mga nailathala na sa Patreon sa ngayon bilang **early drafts** kaya maaaring mayroon sa kanilang maisaayos pa at magamit ulit sa mga pagbabagong darating, ngunit mayroon ding maaaring malimot na lang nang tuluyan dahil hindi na sang-ayon sa mga pagbabagong ito. Tatanggalin ko rin ang dating mga tag sa bawat post para hindi makagulo sa mga tag ng bagong isinasaayos na contents. Lahat ng pre-December 2021 posts ay mapapalagay sa ilalim ng tag na *Dating Santinakpan* at magiging accessible pa sa lahat hanggang katapusan ng taon bago ko tuluyang burahin ang mga ito sa pagsisimula ng 2022.

     Kaya naman, simula nga Disyembre 2021, nasa ibaba na ang linggo-linggo ninyong aabangan. Muli, sisimulan natin ulit sa simula ang mga ito hindi para basta ibaon sa limot ang mga nagdaan kundi upang maging tuntungan ng mas maayos na pagbabago. Ibig sabihin ay puwede ring dito kayo magsimulang muli ng pagbabasa at pagsubaybay para sa kompletong reset ng bawat series. 

    ****Ang isa sa pinakamahahalagang pagbabago ay may audio o podcast version na ang LAHAT ng series na ito (maliban sa mga early YouTube video access na nasa anyo ng video, siyempre) para sa mga mas gustong pakinggan ito kaysa basahin.

<aside> <img src="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/31bbc9f9-82f4-4cbb-991a-9d3e1ca10136/warrior.png" alt="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/31bbc9f9-82f4-4cbb-991a-9d3e1ca10136/warrior.png" width="40px" /> PARA SA MGA BAGANI · Artsibong Atisan · Mga Liham kay Elias · Mga Teorya ng Pagkahulog Episode Transcripts

</aside>

<aside> <img src="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/b9963c9b-1098-4116-9831-80f9eae394b6/deer.png" alt="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/b9963c9b-1098-4116-9831-80f9eae394b6/deer.png" width="40px" /> PARA SA MGA PÚSONG · TALArchives · TALAlive! · Artsibong Atisan · Mga Liham kay Elias · Mga Teorya ng Pagkahulog Episode Transcripts · Access sa Anong Kuwento Natin? Live Recording & Readings

</aside>

<aside> <img src="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/f683b070-1271-4993-998f-c2bb1152bb45/flower.png" alt="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/f683b070-1271-4993-998f-c2bb1152bb45/flower.png" width="40px" /> PARA SA MGA DIWATA · Kaba-Kabanatang Katha · 1001 Pinoy Komiks · TALArchives · TALAlive! · Artsibong Atisan · Mga Liham kay Elias · Mga Teorya ng Pagkahulog Episode Transcripts · Access sa Anong Kuwento Natin? Live Recording & Readings

</aside>

<aside> <img src="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/cb9944e3-7309-41a3-ae4d-6628a31e7c3e/gods.png" alt="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/cb9944e3-7309-41a3-ae4d-6628a31e7c3e/gods.png" width="40px" /> PARA SA MGA BATHALA · Kasaysayan ng Nobela · Pagkamulat 101 · Kaba-Kabanatang Katha · 1001 Pinoy Komiks · TALArchives · TALAlive! · Artsibong Atisan · Mga Liham kay Elias · Mga Teorya ng Pagkahulog Episode Transcripts · Access sa Anong Kuwento Natin? Live Recording & Readings

</aside>

<aside> <img src="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/764ec93f-64df-4d89-a0a2-20a05e222982/universe_(1).png" alt="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/764ec93f-64df-4d89-a0a2-20a05e222982/universe_(1).png" width="40px" /> PARA SA MGA SANTINAKPAN · 1001 Pinoy Komiks Plus · Palihan 101 · ****Kasaysayan ng Nobela · Pagkamulat 101 · Kaba-Kabanatang Katha · 1001 Pinoy Komiks · TALArchives · TALAlive! · Artsibong Atisan · Mga Liham kay Elias · Mga Teorya ng Pagkahulog Episode Transcripts · Access sa Anong Kuwento Natin? Live Recording & Readings

</aside>